Wednesday, 7 March 2012

REGINE VELASQUEZ ALSO KNOWN AS ASIA'S SONGBIRD


REGINE VELASQUEZ

Ipinanganak noong ika-22 ng Abril 1970 sa Tondo, Lungsod Maynila, siya ay panganay na anak nina Teresita at Gerardo Velasquez. Ngunit ang kanyang pamilya ay lumipat sa Hinundayan, TimogLeyte, kung saan nag-aral si Regine sa Hinundayan Central School.
Sa kanyang paglaki ay naging mahalagang bahagi ang musika. Ang ama niya ay madalas na kinakantahan silang magkakapatid ng mga awitin ni Frank Sinatra. At sa bawat kasiyahan ng pamilya na umawit ay tumutugtog ang kanyang ina ng gitara. Sinanay din ni Gerardo ang boses ni Regine sa pamamagitan ng pag-awit niya habang nasa dagat. Samantalang ang kanyang ina ay tinuruan naman siya sa pagkilos kapag umaawit na sa entablado at kung paano ang wastong pagsasambit ng mga kanta. Bago pa man siya matutong magbasa ay naturuan na rin siya sa mga liriko ng mga awitin. At sa edad na anim, sumali na siya sa isang patimpalak sa pag-awit na ipinapalabas sa telebisyon, ang Tita Betty's Children's Show. Dito ay inawit niya ang Buhat Nang Kita'y Makilala, at ngwagi ng ikatlong parangal at youngest contender. Matapos nito ay lumahok pa siya sa napakaraming mga patimpalak sa iba't ibang lugar sa bansa.
Noong siya ay siyam na taong-gulang, lumipat ang kanyang pamilya ng tirahan sa Balagtas, Bulacan. Dito naman ay nag-aral siya sa Balagtas Central School. Hindi nagtagal ay lumipat naman siya ng paaralan, sa St. Lawrence Academy, kung saan nanalo naman siya ng Vocal Solo at Vocal Duet para sa kanyang paaralan sa taunang patimpalak ng BULPRISA (Bulacan Private School Association). Ang kanyang mga magulang ay nakatipid ng pera sa kabila ng napakarami niyang mga kumpetisyong sinalihan at sa napakaraming kasuotang kailangan, sa pamamagitan na rin ng pagdidisenyo at pagtatahi ng mga lumang tela mula sa mga lumang kasuotan. Napanalunan niya ang 67 sa kabuuang 300 na paligsahan niyang sinalihan.

Sa Syobis

Simula

Sa kanyang ika-14 na taon, nakapasok siya sa senior division ng Ang Bagong Kampeon, isang patimpalak sa pagkanta na ipinapalabas sa telebisyon sa buong bansa. Ito ay pinangungunahan nina Bert "Tawa" Marcelo at ang Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales. Iminungkahi ng kanyang ama na awitin niya ang Saan Ako Nagkamali. Hindi naman siya nagsisi matapos siyang manalo sa loob ng walong linggo. Sa pagmungkahi naman ng direktor ng musika ng palabas na iyon na kantahin niya ang In Your Eyes, muli siyang nagtagumpay at naging kauna-unahang kampeon ng programang iyon. Napanalunan niya ang kontrata sa Octoarts, at nirekord ang awiting Love Me Again at ginamit ang pangalang Chona Velasquez. Matapos nito ay sumali na siya sa Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM), isang samahan ng mga mang-aawit sa Pilipinas. Tumutugtog sila sa mga musical lunge sa Kalakhang Maynila. Ang mga miyembro rin nito ay nakatulong sa kanya sa pamamagitan ng mga payo na kanilang ibinigay sa kanya tungkol na rin sa industriya at ng mga kasuotan na kanilang ipinahiram sa kanya sa tuwing siya ay kumakanta.

Sa Pagkanta

Sa kanyang pagsisimula ay lumabas siya bilang panauhin sa programa ng GMA, ang Penthouse Live noong ika-16 ng Pebrero 1986. Ito ay lubusang nakatulong sa kanyang karera dahil dito niya nakilala si Ronnie Henares na nang makilala siya'y inalok siya na gawin itong manager o tagapamahala ng kanyang karera. Iminungkahi rin ng mang-aawit na si Martin Nievera na tanggalin na lamang niya ang gamit niyang pangalang Chona, at gamitin ang kanyang tunay na pangalan. Nang mga panahong iyon ay tuluyan namang iniwan ng kanyang ama ang trabaho nito upang matuunan ng pansin ang kanyang karera.
Kinuha siya ng VIVA Records at pumirma siya ng kontrata rito noong 1987, at matapos ay inilabas ang kauna-unahan niyang album na naglalaman ng mga awiting Kung Maibabalik Ko LangIsang Lahi, at Urong Sulong.
Nakasama niya rin ang mang-aawit na si Janno Gibbs at kinanta nila ang Magkasuyo Buong Gabi.
Taong 1989 nang siya ay maging kampeon sa Asia-Pacific Singing Contest, isang pangmalawakang kompetisyon na nilalahukan ng iba't ibang mga bansa at noo'y ginanap sa Hong Kong. Inawit niya ang You'll Never Walk Alone at And I Am Telling You I'm Not Going. Sa kanyang pagkapanalo, ay tuluyan siyang sumikat at hinangaan sa loob at labas ng bansa.
Noong 1989 ay nakapagrekord siya ng dalawang awitin na may kasama. Ito ay nakatulong pang lalo sa kanyang pag-angat. Isa rito ay si Jose Mari Chan, na pinili talaga siya upang maging katambal nito sa album na Constant Change. Inawit nila ang Please Be Careful With My Heart na sumikat. Sa sobrang kasikatan at sa dami ng tumangkilik ay nanalo ito bilang Certified Diamond Record Award sa PRIMA. Bukod dito'y nakasama naman niya si Gary Valenciano, isa sa mga pinakasikat at respetadong mang-aawit at manunulat ng awit sa Pilipinas, na gumawa naman ng Each Passing Nightpara sa album nitong Faces of Love.
Pumirma naman siya sa Vicor Records at naglabas ng ilang mga album, na sa umpisa ay ang Nineteen 90. Kasama rito ang sikat na Narito Ako, ang kauna-unahan niyang awiting gawa ni Ogie Alcasid. Nagkaroon din siya ng unang konsiyerto sa Folk Arts Theater. Dumalo naman si Gary Valenciano rito.
Ang pinakauna niyang konsiyerto sa Amerika ay ang Narito Ako sa New York na ginanap sa Main Hall ng Carnegie Hall noong ika-11 ng Oktubre 1991. Siya ang kauna-unahang Pilipinong nagkaroon ng pagkakataon na gamitin iyon sa kanyang sariling konsiyerto.
Ang kanyang album na Tagala Tagala ay naglalaman ng kanyang sariling interpretasyon ng mga klasikong awiting Pilipino kasama na ang mga kanta nina Nonong PederoWilly CruzGeorge CansecoLouie OcampoFreddie Aguilar, at mga nakatanggap ng karangalan bilang mga alagad ng sining sa larangan ng musika na sinaRyan CayabyabLucio D. San Pedro, at Levi Celerio.
Sa loob ng ilang dekada ay nagkaroon na siya ng paiba-ibang imahe at album na nakapagpasikat pang lalo sa kanyang pangalan. Taong 2000 nang ipakita niya ang maalindog na imahe na malayo sa kanyang ipinakita sa kanyang pagsisimula bilang mang-aawit. Sa taon ding ito ay inilbas niya ang panibago niyang album na pinamagatang R2K. Naglalaman ito ng mga lumang awitin na binigyan niya ng sariling bersyon. Para rin dito ay naglunsad siya ng konsiyerto na pinaniniwalaang isa sa mga pinaka-matagumpay dahil sa dami ng nanood at pagpupuno niya tao sa Araneta Coliseum.
Taong 2002 naman nang matanggap niya ang kauna-unahang MTV Favorite Artist Award sa Pilipinas, na nakuha niyang muli noong sumunod na taon. Sa gawarang naganap sa Singapore noong 2002 ay nakasama niya rin ang Amerikanang mang-aawit na si Many Mooore at inawit nila ang kanta nitong Cry.
Nilabas naman niya ang album na Covers: Volume 2 noong 2006, na naglalaman ng mga awiting Blue Suede Shoes na awitin ni Elvis Presley at Come Together ng The Beatles. Para naman sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ay nagkaroon siya ng konsiyerto sa Araneta Coliseum kasama sina Ogie Alcasid, Rico J. Puno, at Ai Ai Delas Alas. Noon namang ika-13 ng Agosto ay binigay sa kanya ang buong oras ng Sharon Cuneta Show na naglahad mula sa kanyang simula hanggang sa kanyang kasikatan. Sa kalagitnaan din ng taon ay bumuo siya ng sarili niyang kompanya sa pagrerekord, ang IndiMusic, kasama sina Ogie Alcasid, ang kanyang kapatid at manedyer na rin na si Cacai Velasquez, at ang asawa nitong si Raul Mitra.
Agosto ng 2007 nang siya ang kumanta sa awitin ng Marimar na ipinalabas sa GMA.

Sa Pagho-host

Taong 1997 nang siya ay kunin ng GMA bilang isa sa mga host ng variety show na SOP (Sobrang Okey Pare]] na umeere nang live tuwing linggo ng tanghali. Bukod sa pagho-host ay kumakanta rin siya dito kasama ang ulan pang mga mang-aawit tulad nina JayaOgie AlcasidJanno Gibbs, at marami pang iba.
Celebrity Duets
Celebrity Duets
Noong 2002 ay nagbalik naman siya sa kanyang pinagmulan matapos na i-host ang patimpalak sa telebisyon na Star for a Night. Tumagal ito ng isang taon at ipinalabas tuwing Sabado sa IBC 13, sa ilalim ng kompanya ng VIVA. Ang programa ring ito ang siyang nagpasimula ng kasikatan ng mga kalahok na sina Sarah Geronimo, na siyang nanalo; Mark Bautista na sumunod naman kay Sarah, at Mau Marcelo na matapos ang ilang taon ay nanalo sa Philippine Idol.
Nang sumunod na taon, nagbalik siya bilang host ng Search for a Star na ipinalabas naman sa GMA tuwing Sabado ng gabi. Ang uri nito ay halos katulad ng sikat naAmerican Idol. Katulad ng naunangv palabas, ito rin ay nagsilbing simula sa mga panibagong talento katulad ng kampeon dito na si Rachelle Ann Go.
Matapos noon ay panibagong kompetisyon na naman sa pagkanta ang kanyanag pinangunahan, ang Pinoy Pop Superstar. Dito ay nagwagi sina Jonalyn Viray noong 2005, Gerald Santos noong 2006, at Maricris Garcia noong 2007. Ang mga ito ay lumalabas na ngayon sa SOP.
Pagkatapos tuluyang umamin sa kanilang relasyon, nagkasama sila ni Ogie Alcasid bilang host sa paligsahang Celebrity Duets, kung saan ang mga kilalang personalidad na nagmula sa iba't ibang larangan ay umaawit kasama ang ilang mga mang-aawit tuwing linggo.

Sa Pag-arte

Pelikula

Ang pagsikat niya bilang mang-aawit ay nakatulong upang alukin siya na gumanap sa mga pelikula. Noong 1987, nakuha niya ang kanyang kauna-unahang karakter sa isang pelikula bilang apo sa isang angkan ng mga mafia na nasasangkot sa mga krimen sa pelikulang The Untouchable Family. Hindi nagtagal ay lumipat naman siya sa mga katatawanang pelikula. Nakasama niya sa Pik Pak Boom sina Dingdong AvanzadoHerbert Bautista at Bing Loyzaga. Pagkatapos naman noon ay nakasama niya sina Joey de Leon at Rene Requiestas sa pelikulang Elvis and James kung saan ginampanan niya ang karakter na isang babaeng matalino at mahilig sa musika. Dito ay siya ang gusto ng dalawang bida.
Nagsimulang gumanda ang kanyang karera sa pelikula nang bumalik siya noong 1996 sa kanyang kauna-unahang pelikula na kung saan isa siya sa mga bida, ang Wanted Perfect Mother kasama ang aktor na si Christopher de Leon. Pagkatapos nito ay napabilang na naman siya sa mga pangunahing karakter sa Do Re Mi kasama sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco. Isa itong katatawanan na may halong musikal, at gumanap siya bilang isang DJ sa radyo at tagapamagitan sa dalawa niyang kaibigan na magkaiba ang ugali. Noong 1998 ay nasama naman siya sa Honey Nasa Langit Na Ba Akobilang isang multo na namatay sa isang aksidente ilang araw bago ang kanyang kasal.
Paano Kita Iibigin
Paano Kita Iibigin
Noong 1998, nakatambal niya ang sikat na aktor na si Aga Muhlach sa romantikong pelikulang Dahil May Isang Ikaw. Nang sumunod na taon, nakatambal niya naman ang isa pang sikat na aktor sa larangan ng aksyon, si Robin Padilla. Ang kanilang pelikula ay isang kuwentong pag-ibig sa pagitan ng isang sikat na mang-aawit at kanyang tagahanga. Taong 2001 nang magbalik-tambalan sila ni Aga Muhlach para sa Pangako Ikaw Lang na nakapagpanalo sa kanya bilang isang Box Office Queen mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Taong 2002 at 2003 nang siya ay nagkaroon ng mga sumunod na pelikula, ang Ikaw Lamang, Hanggang Ngayon kasama si Richard Gomez at Pangarap Ko ang Ibigin Kakasama muli si Christopher de Leon at si Dingdong Dantes. Noong Disyembre 2003, nakasama naman siya sa Captain Barbell kasama sina Ogie Alcasid at Bong Revilla.
Nagbalik-tambalan naman sila ni Robin Padilla sa pelikulang Till I Met You noong 2006 kasama pa si Eddie Garcia. Nagkasama naman sila ni Piolo Pascual sa pelikulang Paano Kita Iibigin matapos magkasama dati sa Maalaala Mo Kaya. Ang pelikulang kanilang pinagsamahan ay ipinrodyus ng Star Cinema at Viva Films.
Taong 2008 nang siya ay nagboses sa pangunahing karakter sa pelikulang Princess Urduja na ipinrodyus ng ATP Productions]].

Telebisyon

Taong 2004 nang mapasama siya sa programang Forever in My Heart kasama sina Richard GomezDawn Zulueta, at ang dati niyang nakarelasyong si Ariel Rivera.
Siya ay nasa ilalim ng istasyon sa telebisyon na GMA. Nito lamang ikaanim ng Mayo 2008 ay pumirma siya muli ng kontrata sa istasyong ito matapos muntikang lumipat sa kalabang istasyon, angABS-CBN at tanggapin ang alok na pagganap sa Pilipinong bersyon ng telenovelang Betty la Fea.
Ngunit matapos hindi maayos ang usapan, ngayon ay marami siyang proyekto sa GMA. Kabilang na rito ang sarili niyang programa, ang Songbird, na ipinapalabas tuwing Huwebes. Dito ay kumakanta siya ng iba't ibang awitin. At matapos ang usap-usapang, kumpirmado na ang pagganap siya sa Pilipinong bersyon ng Koreanovelang My Name is Kim Sam-Soon at kasama sina Mark Anthony Fernandez at Wendell Ramos.

No comments:

Post a Comment