YENG CONSTANTINO
Josephine “Yeng” Constantino, born on December 4, 1988, is a Filipina singer and host. Yeng won as “Grand Star Dreamer” of Pinoy Dream Academy, the Philippine edition of Endemol’s reality TV show Star Academy. Yeng Constantino is the youngest child of Susan Constantino and Joselito Constantino and was born in Rodriguez, Rizal.
Yeng Constantino won the Pinoy Dream Academy becoming the first “Grand Star Dreamer.”, followed by Jay-R Siaboc, as the first runner-up.
After winning as the Grand Star Dreamer, Star Records launched Yeng’s debut album entitled “Salamat”, containing 10 songs, in which 7 of it were Yeng’s original compositions. Her album reached its “Gold Record” two weeks after its release and then later took its “Platinum Record” after a month, followed by “3x Platinum Record” after several month of its release…
When Star Records saw the great achievement of the preppy-rocker, they produced her sophomore album after the multi-platinum success of her debut album. On February 28, 2008, her second album “Journey” was launched. The carrier single of the said album is “Ikaw Lang Talaga”. The album contains 12 tracks, some of which were written by Yeng herself.
Pinoy Dream Academy (PDA) had a big impact on Grand Star Dreamer Yeng Constantino's life—the reality search opened the door to many opportunities for Yeng and brought her acclaim in showbiz. A bright future awaits her.
Dati'y simple at ordinaryong kabataan si Yeng. Ngayon ay isa nang kilalang pangalan sa music industry at idolo ng kabataan, at patuloy pa rin ang kanyang paglalakbay tungo sa tagumpay. Dahil sa PDA, hindi lang niya natupad ang kanyang pangarap, nabago pa niya ang kanyang buhay at ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Tunay ngang ipinapakita ni Yeng at ng PDA na nothing is impossible when you dream big.
Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ni Yeng sa napakalaking naitulong ng pagkakapanalo niya sa reality search na ito.
"Sobrang saya ko talaga at hindi ko ini-expect ang lahat ng ito. Nung sumali ako saPDA, ang gusto ko lang naman ay makatulong sa pamilya ko at maparinig ang musika ko," pahayag ni Yeng sa pagbubukas ng bagong season ng Pinoy Dream Academy at Pinoy Big Brother Teen Edition Plus kahapon, March 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.
"Sobrang laki talaga ang naitulong sa akin ng Pinoy Dream Academy," patuloy ni Yeng, "dahil nag-start po kami talaga, sobrang ordinary story, e. Nanggaling po sa hirap yung pamilya namin. Nahihirapan po talaga yung parents ko dati. Pero sobrang sarap ng pakiramdam na ngayon ay nakakatulong ka na sa magulang mo, yung kapatid mo nabibigyan mo ng pinansiyal na suporta para makapag-aral. Sobrang sarap sa pakiramdam!
"Kasi po bunso ako, pero alam ko ang responsibilidad. Alam ko yung ibig sabihin ng pagmamalasakit sa mga kapatid at sa kamag-anak namin, kaya ‘ayun. Yun ang pinakamalaking naitulong ng PDA, yung makatulong kami sa pamilya namin. At siyempre, yung mai-share ang music mo sa mga tao, yung mga isinusulat mong kanta, yun ang pinakamasarap na part. Yung makagawa ka ng mga kanta, marinig ng mga tao," pahayag ni Yeng.
THE BEGINNING. Nagsimulang magtrabaho si Yeng sa edad na 14 upang magbigay-daan sa pag-aaral ng mga nakatatandang kapatid. Nagsilbing big break ni Yeng ang mapasali sa Top 20 scholars ng PDA.
Hanggang ngayo'y sariwang-sariwa pa sa alaala ng rakista mula sa Montalban, Rizal, ang kanyang hindi malilimutang audition kung saan siya'y umeksena at mapangahas na umapila sa mismong direktor at head ng show na si Laurenti Dyogi.
"Hindi niya kasi pinatapos yung kanta ko, ‘tapos sabi niya na 'thank you.' E, ako naman, sabi ko 'Thank you lang po? Ganun lang po?' Natawa siya and ayun, pinapirma ako. Kung hindi ko ginawa 'yon, siguro hindi ako natanggap," pagbabalik-tanaw ng dalaga.
"Natutuwa po ako sa tiwala nila sa akin at sa musika ko. Yung pagkakapanalo ko po kasi sa PDA, yung talagang nagbago hindi lang ng buhay ko, pati na rin ng pamilya ko. Kaya po sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila."
Bukod dito, utang din ni Yeng sa PDA ang mga naging pagbabago sa kanyang pagkatao. Kung dati'y siya ay iresponsable, makalat sa gamit, laging nakasandal sa magulang, at hirap makisama sa ibang tao, ngayo'y ganap na niyang nabago ang mga ito.
"Natuto po akong tumayo sa sarili kong mga paa. Natuto akong maging independent, at natuto akong makisama sa tao. Ang laki talaga ng epekto sa akin kasi hanggang pagtanda ko, dala ko na 'yon. Natuto din pala akong maglaba!" natatawang kuwento ni Yeng.
Bukod sa pagkakaroon ng triple platinum status ng kanyang debut album, sold-out na solo concert, matagumpay na world tours, at sandamakmak na awards, nai-release na rin kamakailan ang pangalawang album ni Yeng na Journey. Kaya naman marami na ang nagsasabi na siya na ang pinakamahusay at pinaka-promising singer-composer ng kanyang henerasyon.
PDA SEASON 2. Sa darating na Mayo, enrollment na naman para sa Season 2 ng Pinoy Dream Academyat tulad ni Yeng, ilang buhay na naman ang magbabago at ilang pangarap ulit ang matutupad. Kaya ang payo ng pinakaunang valedictorian ng academy sa mga future scholars ay:
"Pag nandoon na sila sa loob, itutok lang nila yung isip nila sa dreams nila. Isipin talaga nila kung ano yung purpose nila kung bakit sila nandun. Kasi marami silang matutunan sa loob ng bahay, maraming magiging kaibigan.
"Kailangang tatagan ninyo ang sarili n'yo. ‘Tapos kailangang galingan n'yo para mai-prove ninyo na talagang deserving kayong mapasama sa academy. Dapat i-enjoy nila ang pag-stay sa loob dahil nakaka-miss talaga kapag nasa labas na, e. Dapat ding maging totoo sa kanilang mga sarili."
WORST INTRIGUE. Dahil nasa mundo na nga si Yeng ng showbiz, tinanong namin kung anong pinakamalalang intriga ang kanyang kinaharap mula nang pumasok siya sa industriya. Paano niya na-handle ang ganoong situwasyon?
"Ako po, yung sinabihan yung papa ko na 'addict' daw po," sabi ni Yeng. "Nagalit po talaga ako, kasi sobrang papa's girl po talaga ako. ‘Tapos alam ko po kung paano niya po ako pinalaki. Medyo nakakainis po, doon po talaga ako nagalit. Nasasaktan ako 'pag mga ganoong intriga.
"Gusto ko lang linawin na ang papa ko po ay hindi addict," diin ni Yeng. "Asthmatic po siya, hindi po siya nagte-take ng kahit ano, hindi po siya naninigarilyo, nag-iinom, wala po siyang bisyo kahit sugal. Lahat po ng intriga sa akin hindi ako naapektuhan, pero ito po sinasabi nila tungkol sa papa ko, dun po ako naapektuhan. Siyempre, tatay ko 'yon, Papa's girl ako kaya ipagtatanggol ko. Sobrang bait na tao nu'n at maraming taong magpapatunay diyan."
Isa pang intriga na ikinaloka ni Yeng ay ang isyu na may anak na raw siya.
"Medyo naapektuhan ang family ko sa issue na 'yon, e. Yung pamilya kasi namin, ni-raise kami sa Born Again nung bata pa kami, kaya medyo hindi kami sanay 'pag ganoong usapin , lalo't walang katotohanan ang isyu," pahayag ni Yeng.
CAREER MILESTONES. When asked kung ano naman ang maku-consider niyang pinaka-bonggang nangyari sa kanyang career, sagot ng magaling na singer: "Nung magkaroon ako ng first major concert, ‘tapos po yung album ko na Salamat, nung mag-Gold po ito. Yun ang pinaka-memorable sa akin."
Paano naman siya name-maintain ang magandang status ng kanyang career?
"Sa akin po, nakatulong yung pag-train nila sa amin sa Academy. So paglabas, na-apply po namin lahat ng natutunan namin. Pinalago pa namin with discipline saka pagmamahal sa trabaho talaga. ‘Tapos, pagtanaw ng utang na loob sa mga taong nagbigay sa iyo ng trabaho, yung mga taong nakakita sa 'yo ng talento. Yun po ang mga bagay na nakatulong. And yung pagmamahal sa mga taong sumuporta, kasi 'pag minahal mo sila, mas mamahalin ka nila, mas higit pa," sagot ni Yeng.
Ano naman sa tingin niya ang dapat pa niyang i-improve para mas lalong magtagal sa industriya?
"Ako kasi sa music talaga naka-based, pero siyempre, marami pa rin akong gustong i-try, like acting. Nagwo-workshop ako dahil aminado akong hindi pa ako sanay sa pag-arte. Nagte-training na ako, magiging part ako ng Astigs and, hopefully, makagawa rin ako ng episode sa Your Song. Gusto ko rin pong maging magaling na host, medyo dun po ako kulang kasi medyo nabubulol ako kaya siguro dapat 'yon ang i-improve ko."
Inintriga rin si Yeng ng press dahil balitang mahal daw ang presyo niya kaya medyo lumamlam ang kanyang career nitong mga nagdaang buwan. Naramdaman ba niya ito?
"Naku, hindi naman po. Hindi totoo 'yan. Naramdaman ko rin 'yon for a while, pero siguro talagang ganito lang ang siklo ng career ko. Thankful pa rin ako dahil may mga projects pa rin ako, may bago akong album at nasa ASAP pa rin po, " pagwawakas ni Yeng.
No comments:
Post a Comment